4 probinsya, signal No. 1 dahil sa inaasahang pagpasok ni ‘Basyang’ – Pagasa

     2 months ago
19
Leave a Comment
9 SHARE

Itinaas na ng Pagasa sa signal No. 1 ang ilang probinsya sa bansa kaugnay sa inaasahang pagpasok ng tropical depression sa Philippine area of responsibility (PAR) ngayong Linggo ng gabi.

Sa latest bulletin ng pagasa kaninang alas-5:00 ng hapon, nasa ilalim na ng signal No. 1 ang Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, at Davao Oriental.

Huling namataan ang tropical depression sa layong 1,035 kilometro sa silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Tatawagin itong si Bagyong Basyang kapag tuluyang nakapasok sa PAR.

Nagbabala ang Pagasa sa mga nabanggit na lugar na paghandaan ang posibleng idulot na baha at pagguho ng lupa.

Unang nilinaw ng Pagasa na wala pang direktang epekto ang papasok na bagyo sa Pilipinas, bagama’t nakakaranas ang ilang bahagi ng bansa ng mga kalat-kalat na pag-ulan na dulot pa rin ng northeast monsoon o hanging amihan.

Posible rin daw na mag-landfall si “Basyang” sa Caraga Region sa Lunes ng gabi o Martes ng umaga.

Source link

Post Comments