4 sa 13 na-trap sa Thai cave, na-rescue na; operasyon naging ‘very smooth’ – official

     2 months ago
16
Leave a Comment
5 SHARE

CHIANG RAI, Thailand – Tuluyan nang nailabas ang unang apat na mga miyembro ng soccer team at kanilang coach na na-trap sa loob ng Tham Luang cave sa hilagang Thailand sa loob ng mahigit dalawang linggo.

Napagpasyahan ng mga rescuers na ituloy ang mapanganib na operasyon dahil sa pangamba ng pagtaas ng lebel ng tubig sa nasabing kuweba.

Ayon kay Chiang Rai acting Gov. Narongsak Osatanakorn, agad na dinala sa Chiang Rai Prachanukrua Hospital ang mga mga nailigtas na bata lulan ng mga nakaantabay na ambulansiya.

Dakong alas-5:40 umano ng hapon (local time) nang mailabas ang unang bata, na nasundan naman ng isa pa 10 minuto ang nakalilipas.

Na-rescue naman ang ikatlo bandang alas-7:40 ng gabi, habang nailabas naman ang ikaapat pagkaraan ng 10 minuto.

Sa salaysay ni Osatanakorn, nakasuot ng full-faced masks ang mga bata habang nakaakay sa mga rescue divers.

Pagmamalaki naman ng opisyal na naging “very smooth” ang extraction process sa mga ito.

Aniya, kanila raw munang itinigil ang operasyon dahil sa pagbaba ng lebel ng oxygen sa lugar.

Kinakailangan naman umano ng mga rescuers ng 10 oras upang masimulang muli ang operasyon.

Siyam na katao pa ang kasalukuyang nananatili sa loob ng yungib. (CNA)

Source link

Post Comments