4 SAF commandos, sugatan sa pananambang ng hinihinalang NPA sa Antipolo

     2 months ago
17
Leave a Comment
24 SHARE

Sugatan sa pananambang ang apat na pulis na miyembro ng Special Action Force (SAF) sa Antipolo, Rizal.

Hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang mga salarin.

Ayon sa report ng pulisya, nabatid na lulan ng police mobile ang SAF commandos at pabalik na sana sa headquarters nang pagbabarilin ng hindi pa batid na bilang ng mga rebelde sa Barangay San Jose.

Batay din sa ulat, may apat ding mga miyembro ng SAF ang nawawala matapos ang insidente.

Naglagay na ng mga checkpoint sa Rizal para sa ikadarakip ng mga gunman.

Source link

24 SHARE

Post Comments