42 taong kulong sa NPA leader na naaresto sa Quezon noong 2012

     2 months ago
13
Leave a Comment
11 SHARE

Pinatawan ng Quezon Regional Trial Court nang hanggang 42 taong pagkakakulong ang mataas na lider ng New People’s Army matapos hatulang guilty sa illegal possession of firearms and explosives.

Ayon sa Philippine Army, sinentensyahan ng reclusion perpetua o 30 taong pagkakabilanggo si Miguela Pnero alyas Ka Migs dahil sa paglabag sa Republic Act No. 9516 at 12 taong pagkakakulong dahil sa paglabag sa RA 8294.

Si Pinero ay lider ng NPA sa Southern Quezon at Bondoc Peninsula. Ayon sa militar, nasa likod umano siya ng mga tangkang pangingikil, pananambang sa mga sundalo at panggulo sa mga proyekto ng gobyerno.

Nakadetine si Pinero sa Correction Institute for Women sa Mandaluyong City.

Inaresto siya ng 65th Infantry Battalion ng 2nd Infantry Division at Quezon Regional Police sa Barangay Calantipayan sa bayan ng Lopez noong February 5, 2012.

Ito ay sa bisa ng arrest warrant para sa dalawang bilang ng murder, rebelyon, multiple frustrated murder at robbery.

Narekober kay Pinero ang isang calibre .45 na pistol, isang granda at mga sangkap sa paggawa ng improvised explosive devices.

Source link

11 SHARE

Post Comments