4Ps beneficiaries tatanggap ng P200 dagdag na tulong mula sa gobyerno

     2 months ago
10
Leave a Comment
8 SHARE

Simula sa susunod na buwan ay matatanggap na ng higit sa pitong milyong pamilya ang bagong cash subsidy mula sa pamahalaan.

Ayon sa Department of Finance, P200 kada buwan ang tatanggapin ng nasa 7.4 milyong pamilya bilang pangontra sa epekto ng Tax Reforms for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Ipinaliwanag ni Finance Undersecretary Karl Kendrick Chua na ang cash subsidy ay hiwalay pa sa conditional cash transfer na natatanggap ng mga benepisyaryo sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino program.

Tinawag ng DOF na “unconditional cash transfer” ang nasabing benepisyo dahil hindi gaya ng CCT program, wala itong kaakibat na kundisyon.

Unang makatatanggap ng UCT ang nasa 4.4 million na 4Ps beneficiaries at nasa 3 million na indigent senior citizens.

Kabuuang P2,400 para sa buong taon ang matatanggap ng kwalipikadong pamilya.

Pagsapit naman ng taong 2019 ang P200 kada buwan ay itataas sa P300 o kabuuang P3,600 bawat taon. Pagdating naman ng Agosto, dagdag na 2.6 na pamilya ay mabibigyan ng nasabing benepisyo.

Aabot sa P25.67 billion ang inilaan ng pamahalaan para sa UCT na nakapaloob sa 2018 General Appropriations Act (GAA).

Ang UCT ay matatanggap sa pamamagitan ng ATM card transfers, maging over the counter sa Land Bank of the Philippines at ilang mga rural bank.

Source link

8 SHARE

Post Comments