5 bahay, tinupok ng apoy sa Taguig City

     6 months ago
28
Leave a Comment
3 SHARE

Nilamon ng apoy ang limang kabahayan sa number16 Cardones St. Zone 2 Central Signal Village sa Taguig.

Ayon kay Insp. Miguel Estilles, Chief Operations ng Taguig BFP, nagsimula ang sunog sa bodega ng bahay ni Ramon Venavides alas 1:16 Lunes ng madaling araw.

Sinasabing may problema sa kuryente ang bahay na posibleng dahilan sa pagsiklab ng sunog.

Dahil gawa sa light materials, mabilis na kumalat ang apoy na umabot sa ikatlong alarma ala 1:25 ng madaling araw.

Wala naman naitalang sugatan sa sunog sa panig ng mga apektadong residente pero sa kasamaang palad ay nasugatan naman ang isang bumbero na rumuresponde lang.

Nasugatan sa kanang paa si FO2 Hover Verucil matapos aksidenteng makatapak ng pako.

Sa kabuuan aabot sa P100,000 ang pinsala ng sunog na tuluyang naapula alas-2:10 ng umaga.

 

 

 

Source link

3 SHARE

Post Comments