5 drug suspect arestado sa magkahiwalay na operasyon sa Maynila at QC

     5 months ago
17
Leave a Comment
7 SHARE

Limang drug suspect ang naaresto sa isinagawang operasyon sa nakalipas na magdamag sa Maynila at sa Quezon City.

Sa Sta. Cruz, Maynila, arestado sa isinagawang operasyon ang dalawang drug suspect.

Ayon sa mga otoridad, natunton at nabisto ang bentahan ng marijuana sa lugar sa pamamagitan ng social media.

Aabot sa 22 plastic na naglalaman ng marijuana ang nasabat sa mga suspek.

Aminado naman ang dalawa na sila ang pinagkukunan ng marijuana ng kanilang mga kliyente.

Samantala sa Cubao, Quezon City naman, naaresto ang tatlong lalaki na nahuli sa aktong gumagamit ng ilegal na droga.

Ang tatlo ay nakuhanan naman ng tatlong sachet ng shabu at mga drug parahernalia.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

7 SHARE

Post Comments