5 drug suspects arestado sa ikinasang buy-bust operation sa Cubao

     2 months ago
190
Leave a Comment
28 SHARE

Arestado ang limang hinininalang tulak ng bawal na gamot ang naaresto sa ikinasang buy-bust operation ng Quezon City Police District sa Brgy. Socorro sa Cubao.

Hindi na nakapalag pa ang mga suspek nang masukol sa loob ng kanilang bahay sa number 46-A 12th Ave.

Dalawa sa mga suspek ang kinilala na sina Adamson Corpuz at Jayson Sanchez na kapwa sumuko na sa Oplan Tokhang ng PNP.

Sinabi ni Sr. Insp. Ramon Aquiatan, hepe ng station drug enforcement unit ng Cubao Police station, hindi pa rin tumigil ang dalawa, hindi nagbago at itinuloy ang pagbebenta ng shabu.

Hinuli rin ang tatlo pa na sina Julito Timajos, Francis Joaquin Rivera at Reynaldo Padilla matapos maabutan sa lugar.

Bukod sa P500 buy-bust money at P700 kinita sa pagbebenta ng ilegal na droga nasamsam din sa limang tulak ang sampung sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

28 SHARE

Post Comments