5 lugar pinagpipilian pa rin ni Trump sa historic meeting kay Kim Jong-Un

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Mananatili pa rin ang limang lugar na pinagpipilian ni US President Donald Trump sa inaabangang meeting niya kay North Korean leader Kim Jong Un.

Itinuturing kasi nito na isang napakataas na level ang nasabing pagpupulong na maaaring mangyari sa buwan ng Mayo o kaya sa unang bahagi ng Hunyo.

Inamin ng US President na nagkaroon na ng direktang pag-uusap ang White House at Pyongyang para tuluyang maplantsa ang pag-uusap at ang magiging venue.

Ilan sa mga tinukoy na lugar ay ang demilitarized zone sa pagitan ng North at South Korea, ang Mongolian capital, neutral European capital gaya ng Stockholm o Geneva, Southeast Asia kabilang ang Singapore o Malaysia, at maging ang South Korean capital na Seoul at North Korean capital na Pyongyang.

Pinuri naman ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe na kasalukuyang nasa US ang hakbang na ito ni Trump para tuluyang matigil na ang tensiyon sa Korean Peninsula.

Source link

0 SHARE

Post Comments