5 miyembro ng pamilya patay, pati 3 bata sa sunog sa Agusan del Sur

     5 months ago
44
Leave a Comment
0 SHARE

BUTUAN CITY – Kinumpirma ni SFO2 Alan Salvaña, imbestigador ng Bureau of Fire Protection sa bayan ng San Francisco, Agusan del Sur na patay ang lahat na limang miyembro ng pamilya Abelita matapos maabo ang kanilang bahay pasado alas-10:45 kagabi.

Nakilala ang mga biktima na sina Kim Abelita, ama, at ang asawa nitong guro na si Marivic, kasama na ang kanilang mga anak na sina Lendy, 10; Cedric, 6, at ang tatlong taong lamang si Rihanna, pawang mga residente ng Purok 4-C, Brgy. 2 sa nasabing bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, posible umanong may kinalaman sa electrical wiring ang dahilan ng sunog.

Sinasabing naobserbahan daw nitong nakalipas pa na gabi na “on-and-off” na ang ilaw sa kanilang sala.

Isinasantabi naman na sinadya ang pagsunog sa kanilang bahay dahil base sa kanilang imbestigasyon, pawang mabubuting tao ang nasabing pamilya.

Batay pa sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo, makakalabas na sana sa kanilang tahanan ang ama na si Kim matapos nitong sirain ang isa sa mga bintana sa kanilang bahay ngunit bumalik pa ito at pumasok sa kwarto kung saan nandoon ang kanyang pamilya para sana iligtas.

Gayunman nabigo na rin itong makalabas kasama ang kanyang mag-iina.

Source link

Post Comments