6 dinukot sa rantso na pinasok ng mga rebelde

     6 months ago
26
Leave a Comment
5 SHARE

NAGA CITY – Kinumpirma ngayon ng Southern Luzon Command (Solcom) na anim katao ang dinukot ng pinaniniwalaang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Sitio Tumabaga, Nasalaan, San Francisco, Quezon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Col. Teody Toribio, tagapagsalita ng Solcom, sinabi nito na pasado alas-5:00 kahapon ng hapon nang sapilitang pinasok ng tinatayang aabot sa 50 armadong kalalakihan ang rantso na pagmamay-ari ni James Murray.

Ayon kay Toribio, kinuha ng nasabing grupo ang ilang importanteng mga kagamitan sa loob habang sinira naman ng mga ito ang ilan pang mga gamit.

Hindi pa nakontento, una nang hinostage ng mga suspek  ang anim na trabahador bago tuluyang tinangay papalayo sa nasabing lugar.

Dagdag pa ni Toribio, patuloy din nilang inaalam kung totoo ang nakarating sa kanilang impormasyon na dalawa sa anim na biktima ang miyembro ng Cafgu.

Kaugnay nito, patuloy aniya ang ginagawang operasyon ng kasundaluhan para matiyak ang kaligtasan ng mga tao sa lugar habang kinukumpirma naman aniya ang nakarating sa kanilang impormasyon na pinakawalan na ng nasabing grupo ang mga biktima.

Source link

5 SHARE

Post Comments