6 na ang sundalong sugatan sa ambush ng NPA sa Antipolo

     5 months ago
31
Leave a Comment
12 SHARE

Umakyat na sa anim na kagawad ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police ang nasugatan sa pananambang ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army sa Antipolo, Rizal linggo ng umaga.

Dalawa naman sa kanilang kasamahan ang kasalukuyang pinaghahanap ng mga otoridad.

Nabatid na sakay ng police mobile ang SAF commandos at pabalik na sana sa headquarters nang pagbabarilin ng hindi pa mabatid na dami ng mga rebelde sa Barangay San Jose, ayon sa pulisya.

Kinalala ang mga nasugatan na sina PO2s Brendo Cariño, Reymar Guevarra, Mark Andrew, Gran Omines, Joseph Alberca at Ryan Gonzales.

May checkpoint nang inilagay ang mga otoridad sa Rizal para sa ikadarakip ng mga gunman.

Source link

12 SHARE

Post Comments