7.2 magnitude quake tumama sa southeastern Mexico; walang tsunami threat – USGS

     2 months ago
9
Leave a Comment
6 SHARE

(Update) Binulabog ang mga residente ng southwestern Mexico matapos na tumama ang malakas na lindol kanina (Biyernes doon).

Natukoy ng US Geological Survey ang epicenter ng 7.2-magnitude quake malapit sa bayan ng Pinotepa de Don Luis sa Oaxaca state o nasa 350km (217 miles) mula sa capital na Mexico City.

Sinasabing ang sentro ng lindol na may lalim na 24.6km ay nagdulot nang paggalaw ng mga buildings at labis na pangamba sa mga residente na naglabasan sa kani-kanilang mga tahanan.

Inaalam pa ngayon ng mga otoridad ang kabuuang pinsala o kung meron mang nasaktan sa malakas na pagyanig.

Wala namang inilabas na abiso ang  Pacific Tsunami Warning Center sa banta ng tsunami.

Kung maaalala noong nakalipas lamang na buwan ng Setyembre ay dalawang powerful earthquakes din ang tumama sa Mexico na ikinamatay ng daan-daang katao.

Ang Mexico ay kabilang sa itinuturing na “most seismically active regions” sa mundo kung saan nakaupo ito sa tatlong malalaking tectonic plates – ang North American, Cocos at Pacific plates kaya madalas ang nangyayaring mga lindol.

Source link

Post Comments