7 arestado kasama ang 3 Chinese sa raid sa Batangas shabu lab

     4 days ago
7
Leave a Comment
7 SHARE

(Update) Umabot na sa pitong mga suspek ang arestado dahil sa pagpapatakbo ng shabu laboratory sa Ibaan, Batangas.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) spokesman Derrick Carreon, kabilang sa mga hinuli ay tatlong Chinese at apat na Filipino.

Nabatid na isinama na rin sa paghuli maging ang mga trabahador na nasa compound ng Hingoso Farms na ansa Brgy. Sto Nino, Ibaan, Batangas.

Sinasabing tatlong linggo nang nag-o-operate ang laboratory at kaya nitong gumawa ng 25 kilo ng shabu sa isang araw bukod pa sa ecstacy na pwede ring gawin doon.

Ginawa ang pagsalakay sa nabanggit na lugar kaninang madaling araw.

Nilusob ang farm na sinasabing shabu laboratory ng pinagsanib na pwersa ng PDEA, Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Ibaan Municipal Police Station.

Source link

Post Comments