7 OFWs, napatay sa Kuwait bago pa ang deployment ban; 185, namatay sa loob ng 2-taon – DOLE

     2 months ago
9
Leave a Comment
10 SHARE

Naungkat sa Senate inquiry ng committee on labor, employment and human resources development ang dami ng mga nasawing overseas Filipino workers (OFWs) sa Kuwait nitong mga nakalipas na panahon.

Sa pagtatanong ni Sen. Franklin Drilon sa Labor officials, lumabas na 185 OFWs na umano ang recorded na namatay sa nakalipas na dalawang taon sa naturang bansa.

Habang pito rito ang nangyari sa mga nakalipas lang na buwan, bago naipatupad ang deployment ban ng mga manggagawa.

Dismayado naman sa pangyayari si Sen. Joel Villanueva, lalo’t hanggang ngayon ay hindi pa rin pala signatory ang Kuwait sa kahit anong convention para sa pagprotekta sa migrant workers.

Habang sa panig naman ni Sen. Nancy Binay, dapat umanong matiyak ng DOLE na may daratnang hanap-buhay ang mga manggagawang uuwi ng Pilipinas dahil sa deployment ban.

Source link

Post Comments