7 Pinoy na pawang mga US citizens na mga doktor at nurse, patay sa aksidente sa Cebu

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

CEBU CITY – Patay ang pitong Pinoy na pawang mga US citizens at pinaniniwalaang mga doktor at nurse matapos maaksidente ang sinasakyan nilang van sa bayan ng Alegria sa lalawigan ng Cebu kaninang tanghali habang patungo sana sa Kawasan Falls.

Ayon kay Senior Insp. Efren Diaz Jr., hepe ng Alegria police station,  nanggaling pa sa Cebu City ang mga biktima na bumiyahe ng alas-3:00 ng madaling araw patungo sa timog na bahagi ng lalawigan.

Ilang oras din umanong nanatili ang mga biktima sa bayan ng Oslob para puntahan ang sikat na whale watching area.

Inamin ng nakaligtas na driver na si Gilbert dela Cruz na nakaidlip ito habang nagmamaneho kayat bumangga ito sa isang puno ng mahogany.

Dahil dito ay wasak ang harapan na bahagi ng sasakyan.

Samantala dinala na sa isang pribadong ospital sa Cebu City ang tatlo pang kasamahan ng mga biktima na nakaligtas pero nasa kritikal na kondisyon ang mga ito ngayon.

Ani Diaz,  magsasagawa sana ng medical mission ang mga sakay sa Camiguin sa darating na Lunes.

Sa ngayon ay hindi pa makumpirma ang pagkakakilanlan ng mga nasawi, ngunit napag-alaman na dalawa sa mga ito ang mayroong identification card (ID).

Pahirapan din ang kanilang pag-locate sa mga kamag-anak ng mga biktima.

Source link

0 SHARE

Post Comments