7 taong gulang na bata, nalunod sa Pangasinan

     2 months ago
22
Leave a Comment
4 SHARE

Natagpuang patay ang isang pitong taong gulang na lalaki sa isang ilog sa Malasiqui, Pangasinan.

Nakita ang bangkay ng biktimang si Rengie Aquino, isang Grade 1 pupil, sa Marusay River bandang 11:00, Linggo ng umaga.

Naitakbo pa sa ospital si Aquino ngunit idineklara ring dead on arrival.

Ayon sa ama ng biktima na si Raymundo Aquino Jr., nagsimulang mawala ang bata bandang 5:10, Biyernes ng gabi.

Sinabi ng kapatid nitong si Russel na naglalaro lang sa eskwelahan si Rengie ngunit kalaunan ay inamin ring nadulas at nahulog ito sa ilog habang naglalaro sila sa lugar.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

4 SHARE

Post Comments