70 pamilya inilikas sa dalawang bayan sa Cebu dahil sa bagyong Basyang

     2 months ago
15
Leave a Comment
12 SHARE

Aabot sa 70 pamilya ang inilakas na sa dalawang bayan sa lalawigan ng Cebu dahil sa pag-ulan na dulot ng bagyong Basyang.

Sa nasabing bilang, 64 na pamilya ang mula sa Barangay Santa Filomena sa bayan ng Alegria na pawang naninirahan sa coastal area.

Pansamantala silang dinala sa Santa Filomena Gym.

Samantala, 6 na pamilya naman mula sa Barangay Poblacion sa bayan ng Boljoon ang pinalikas din ng lokal na pamahalaan.

Dahil sa nararanasang malakas at tuluy-tuloy na buhos ng ulan sa Cebu, nag-deploy na ng heavy equipment sa mga bayan na mayroong mga coastal barangay partikular ang mga bayan ng Ronda, Alegria, Moalboal, Mibglanilla at Bojoon.

 

 

 

 

 

Source link

12 SHARE

Post Comments