71 sakay ng Russian passenger plane patay matapos na bumagsak

     2 months ago
16
Leave a Comment
8 SHARE

Patay ang 71 katao na lulan ng Russian passenger plane matapos na ito ay bumagsak sa labas ng Moscow.

Ito ang kinumpirma ng Russian office of transport investigation kung saan 65 dito ang pasahero at anim naman ang crew.

Ang Antonov An-148 plane ay inooperate ng Saratov Airlines na mula sa Domodedovo airport at papunta na sa Ramensky district ng ito ay nawala sa radar.

Nagpdala na ang Russia ng mahigit na 150 rescue workers sa crash site.

Base sa inisyal na imbestigasyon nawala sa radar screen ang eroplano apat na minuto matapos na ito ay mag-take off.

Ilan sa mga kinokonsidera ngayon na sanhi ng pagbagsak ito ay ang weather condition at human error.

Papunta sana ang eroplano sa lungsod ng Orsk ang pangalawang pinakamalaking lungsod sa Orenburg reigon malapit sa border ng Russia at Kazakhstan.

Nagpaabot na ng pakikiramay si Russian President Vladimir Putin sa pamilya ng mga nasawing biktima.

Source link

Post Comments