77-anyos na lolo arestado sa pagbebenta ng droga sa Lucena City

     5 months ago
31
Leave a Comment
7 SHARE

Arestado ang isang 77 taong gulang na umano’y tulak ng droga at tatlong iba pa sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Lucena City, Quezon.

Ayon kay Lucena police head Supt.Vicente Cabatingan, inaresto si Rodolfo De Castro sa Barangay 4 kagabi, kasama sina Eric Wong, 23 taong gulang, at Juanito Erella, 53 taong gulang.

Nahuli pang nagpo-pot session sina Wong at Erella na famit ang shabu na binili umano mula kay De Castro.

Kinumpiska sa mga suspek ang tinatayang P1,850 halaga ng shabu at mga drug paraphernalia.

Samantala, inaresto naman sa isa pang tulak ng droga kaninang umaga.

Nakilala ang suspek na si Manuel Royo, 18 taong gulang. Ayon sa pulisya, pinagbnetahan ni Royo ng shabu ang isang undercover police sa Barangay Dupay.

Nakumpiska kay Royo ang tatlong sachet ng shabu na nagkakahalagang P2,035.

Ayon kay Cabatingan, nakatakas ang kasamahan ng suspek na si Upao Lacson, ngunit naiwan ang kanyang sumpak na may isang bala.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

7 SHARE

Post Comments