9 katao arestado sa dalawang magkahiwalay na buy-bust operation sa Quezon City

     2 months ago
13
Leave a Comment
6 SHARE

Aabot sa P240,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) Station 6 sa dalawang magkahiwalay na drug buy-bust operation sa Barangay Culiat.

Siyam na mga drug suspek ang naaresto sa naturang mga operasyon.

Kinilala ang mga naaresto sa naunang buy-bust na sina Rosana Ledesma, Murphy Tenaan, Rodel Pito, Mark Anthony Magtibay, at El-Saddam Salihoddin.

Sina Oscar Abas, Moctar Abas, Rex Tinaan, at Dandrei Delloro naman ang naaresto sa ikalawang operasyon.

Nakuha mula sa dalawang operasyon ang 28 plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at may street value na P240,000, P1,000 buy-bust money, at mga drug paraphernalia.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kasalukyang nakapiit ang mga suspek sa himpilan ng QCPD Station 6 sa Batasan, Quezon City.

 

 

Source link

6 SHARE

Post Comments