Aabot sa 70 smuggled luxury cars ang dudurugin sa Martes – Palasyo

     6 months ago
16
Leave a Comment
6 SHARE

LAOAG CITY – Nasa 70 smuggled luxury cars o mga mamahaling sasakyan ang nakatakdang dudurugin sa pamamagitan ng bulldozer sa darating na Martes sa Port Area, Maynila.

Sasaksihan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing pag-bulldozer sa mga puslit na mamahaling sasakyan kasabay ng pagdalo sa selebrasyon ng ika-116 anibersaryo ng Bureau of Customs (BoC).

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, bagama’t hindi masasaksihan ni Pangulong Duterte ang pagsira sa lahat ng sasakyan, malinaw na ang kanyang mensahe rito na hindi kukunsintihin ang ganitong smuggling activities.

Ayon pa kay Sec. Roque, sarado na rin si Pangulong Duterte sa panukalang gawing service vehicle sa gobyerno ang mga luxury cars imbes na sirain.

Iginiit ni Roque na nais iparating ni Pangulong Duterte sa mga smugglers na tapos na ang kanilang maliligayang araw.

Ang mga nakatakdang sisraing luxury cars ay nagkakahalaga ng mula P5 million hanggang P20 million bawat isa.

Source link

Post Comments