Abogado, tinambangan sa EDSA-QC; isa sa mga suspek, patay matapos sagasaan ng biktima

     2 months ago
87
Leave a Comment
13 SHARE

(Update) Patay ang isa sa mga suspek na nakasakay sa motorsiklo habang sugatan naman ang 2 kasamahan nito nang tambangan ang isang sasakyan sa Northbound, EDSA, Quezon City malapit sa Trinoma Mall.

Nabatid na isang abugado ang lulan ng SUV na tinambagan na nakilalang si Arjel Joseph Cabatbat.

Sa inisyal na impormasyon mula sa QCPD, naganap ang insidente maghahatingabi.

Hinabol daw ng mga lalaki na nakasakay sa motorsiklo ang abugado at pinagbabaril. Swerte namang nakaligtas ang kanilang target na gumanti at nagagasa sa kanila.

Isa sa mga motibo na tinitignan ng pananambang ang mga maseselang kaso na hawak ng biktima. Marami na raw kasi itong natatanggap na death threat noon pa.

Nakuha naman mula lugar ng pananambang ang hindi pa mabilang na basyo ng mga baril at magazine at isang ID na pagmamay ari ni PO1 Mark Ayeras.

Samantala, nagdudulot naman ng matinding pagbabara sa daloy ng trapiko ang nangyaring insidente sa EDSA.

Source link

13 SHARE

Post Comments