Airport officials sa Cebu binalaan ng pangulo sa modus ng laglag-bala

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Napabilib si Pangulong Rodrigo Duterte sa disensyo ng bagong terminal sa Cebu International Airport.

Kaninang hapon ay pinangunahan ng pangulo ang pagbubukas ng nasabing airport terminal.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng pangulo na malaki ang maitutulong ng bagong tayong terminal lalo na sa pagpapa-unlad ng turismo sa Central Visayas.

Kasabay nito ay nagbabala siya sa mga airport officials na tiyakin ang kaligtasan ng paliparan hindi lamang sa banta ng terorismo kundi gayunrin sa mga kriminal.

Hindi umano dapat mangyari sa Cebu ang mga insidente ng laglag bala na nauuwi lang sa pangongotong sa mga biktima ng nasabing modus.

Present rin sa inagurasyon kanina sina Executive Sec. Salvador Medialdea, Tourism Sec. Berna Romulo-Puyat at Transportation Sec. Art Tugade.

Source link

0 SHARE

Post Comments