Aktor na si Cogie Domingo, 2 iba pa, arestado ng PDEA

     2 months ago
76
Leave a Comment
0 SHARE

Arestado sa isinagawang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 4-A ang aktor na si Redmond “Cogie” Domingo, Biyernes (Oct. 27) ng madaling araw.

Kasama na naaresto ang source o pinagbilhan umano ng droga ni Domingo na si Almira Bautista at si Francis Lim na kasama umano ng aktor.

Nakumpiska sa nasabing operasyon ang isang plastic sachet na ginamit sa buy bust at may nakuha ring isa papng sachet na umano’y naglalaman ng shabu.

Ayon sa kay PDEA Public Information Office Director Derrick Carreon, dalawang linggong isinailalim sa surviellance si Bautista.

At nang ikasa ang operasyon laban kay Bautista, nagkataong naaktuhan doon si Domingo at bumibili ng shabu.

May mga nasabat na drug paraphernalia sa aktor kabilang ang isang maliit na kahon na may cylinders at nakitaan ng shabu residue at iba pang drug paraphernalia.

Ayon kay Carreon, naaresto ang tatlo sa President Avenue BF Homes Parañaque alas 12:30 madaling araw.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang tatlo.

Sa pahayag naman ni Domingo, itinanggi nitong bumibili siya ng illegal drugs.

Hindi rin umano niya kilala sina Bautista at Lim n kasama niyang naaresto.

Na-set up lamang umano siya at kumakain lamang siya nang siya ay datnan nang mga otoridad.

Inamin ni Domingo na dati na siyang gumamit ng ilegal na droga pero sinabi niyang matagal na niya itong tinalikuran.

Source link

0 SHARE

Post Comments