Albayalde may babala sa mga tutulog-tulog na pulis

     2 months ago
13
Leave a Comment
7 SHARE

Makaraang ilang pulis na ang naaktuhan niyang tulog habang naka-duty, nag-post na ng babala sa kaniyang Facebook si National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde.

Sa kaniyang FB page, tiniyak ni Albayalde na sisibakin niya sa pwesto ang pulis na madadatnan niyang tulog habang naka-duty at hindi ginagampanan ang kanilang trabaho.

Maliban sa masisibak, sinabi ni Albayalde na sasampahan din sila ng kasong administratibo.

“Babala ko lang sa mga pulis na madadatnan ko pang tulog sa kanilang posts o hindi ginagampanan ang kanilang sinumpaang trabaho, asahan niyong aalisin ko kayo sa pwesto kasama na din ang kasong administratibo na isasampa sa inyo. Hinding hindi po tayo titigil hangga’t hindi naitutuwid ang mga maling gawain,” ayon kay Albayalde.

Sa nasabi ring FB post, hinikayat ni Albayalde ang publiko na agad tumawag sa NCRPO kapag may nakitang maling gawi ng mga pulis.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

7 SHARE

Post Comments