Alvarez: ‘Korte walang pinapanigan’; Floirendo: ‘Arogante ka’

     2 months ago
16
Leave a Comment
1 SHARE

DAVAO CITY – Iginiit ni House Speaker Pantaleon Alvarez, na ang pagpapalabas ng warrant of arrest laban kay businessman at Davao del Norte 2nd District Representative Antonio “Tonyboy” Floirendo Jr.  ay nagpapakita lamang daw na sa kasalukuyang administrasyong Duterte walang pinapanigan, mayaman man o mahirap dahil gumugulong ang gulong ng hustisya.

Sa panayam ng Bombo Radyo Davao inihayag ni Alvarez na ang kaso na kinakaharap ni Floirendo sa Sandiganbayan ay maari namang mapiyansahan.

Halos documentary lamang umano ang nasabing kaso dahil nalaman na nakaupo pa raw si Floriendo bilang kongresista nang rentahan ang lupain ng Davao Prison and Penal Farm (DAPECOL) na kung saan lugi umani ang pamahalaan.

Kinilala rin sa sumbong si Floirendo bilang may-ari ng TADECO at hindi nag-divest ng kanyang shares.

Isa ring surveyor ang naging saksi at magpapatunay na ang kanilang inuupahan ay limang ektarya lamang ngunit inukupahan ang halos 9,000 ektarya ng mga kalupaan ng DAPECOL.

Apat na libong ektarya raw ang kanilang ginagamit na walang renta, na maliwanag na plunder ayon pa sa court ruling.

Samantala, umalma naman si Floirendo sa umano’y mabilis na desisyon laban sa kanya.

Kinasuhan daw siya ni Speaker Alvarez hindi lamang dahil sa pamumulitika, kundi maging sa pagtatangkang agawin ang kasunduan sa pagitan ng Bureau of Corrections at Tagum Agricultural Development Company, Inc.

Aniya, ang mabilis na pagsasampa ng kaso laban sa kanya ay patunay din umano nang pag-abuso sa kapangyarihan at pagiging arogante ni Alvarez.

Source link

Post Comments