American singer Chris Brown, inaresto matapos ang concert sa Florida

     5 days ago
26
Leave a Comment
4 SHARE

Inaresto ang American superstar na si Chris Brown matapos ang concert nito sa Florida, USA.

Ayon sa Palm Beach County sheriff’s office, agad dinakip ng Florida police ang singer pagkababa sa stage ng concert sa West Palm Beach dahil sa kinakaharap na kasong felony battery.

Mabilis namang nakalabas ng kulungan si Brown matapos magbayad ng $2,000 dollars na piyansa.

Maliban sa felony battery, sinabi ng mga otoridad na inaresto ang R&B star dahil sa kaso mula Tampa, Florida.

Hindi naman nagbigay pa ng ibang detalye ang mga otoridad hinggil dito.

Batay sa celebrity news website na TMZ, may kaugnayan ang warrant sa singer dahil sa pagsapak nito sa isang photographer noong nakaraang taon.

Matatandaang marami kinasangkutang kaso ang 29-anyos na rapper na may kinalaman sa panggagahasa at domestic violence case noong 2009 laban sa kaniyang ex-girlfriend at Singer na si Rihanna.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

4 SHARE

Post Comments