Anim na hinihinalang miyembro ng ‘Ativan Gang’ arestado sa Makati City

     6 months ago
95
Leave a Comment
103 SHARE

Todo-tanggi sa bintang ang anim katao matapos silang arestuhin ng mga tauhan ng Makati Police Community Precinct (PCP) 2.

Ayon sa mga otoridad, nagroronda ang kanilang mga pulis sa Barangay Palanan, Makati City nang mapansin nila ang dalawang babae na tila ginigitgit ang isang lalaki sa isang ATM at mistulang pinipilit ito na mag-withdraw ng pera.

Napansin rin ng mga pulis ang isang taxi na naka-park sa malapit at mayroong dalawa pang babaeng nagsisilbing lookout, habang mayroong dalawang lalaki sa loob ng taxi.

Nilapitan ng mga pulis ang mga dalawang babae at isang lalaki sa ATM, ngunit nagkumahog ang mga babae papalayo, at iniwan ang lalaki na napag-alamang isa palang Chinese national na kinilalang si Zhu Cao.

Hindi naman na nakalayo pa ang mga suspek at agad na naaresto. Kinilala ang mga ito na sina Loraine Roa, Analyn Castro, Heraclea Sison, Aurora Balais, James Soriano, at Lyzander Cantoria na siyang driver ng taxi.

Bagaman lasing at antok na antok ay naikwento ni Cao, na mag-isa lamang sa Pilipinas, na magkakasama sila ng mga suspek na nag-iinom. Aniya, pinipilit siya ng mga ito na magwithdraw ng pera sa ATM kahit na ilang ulit na niyang sinabi na mayroon naman siyang dalang ₱4,000 cash.

Dinala umano siya ng mga suspek sa isang bangko at pinilit na kumuha ng pera mula sa kanyang ATM card ngunit hindi siya pumayag na i-type ang kanyang PIN code.

Iba naman ang kwento ng mga suspek. Ani Roa, si Cao ang nagpasama sa kanila sa ATM at wala silang balak na masama dito. Katunayan aniya ay sinasamahan lamang nila si Cao na mag-ikot, lalo na’t Chinese New Year na.

Mula sa taxi ay narekober ng mga pulis ang hinihinalang boodle money, ilang mga alak, at isang tableta ng hinihinalang Vallum.

Pinag-aaralan pa ng mga otoridad kung anong kaso ang isasampa laban sa mga arestadong suspek.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

103 SHARE

Post Comments