Año, bagong DILG head; Cuy, bagong DDB chairman

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Pormal nang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Eduardo Año bilang bagong officer-in-charge ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Magugunitang sa pagreretiro ni Año noong nakaarang taon, inianunsyo na ni Pangulong Duterte ang pagtatalaga nito sa heneral para pamunuan ang DILG.

Mananatili pa namang undersecretary at officer-in-charge lang muna si Año sa DILG hangga’t wala pang isang taon ang nakalilipas mula ng magretiro sa serbisyo.

Pirmado ng pangulo ang appointment paper ni Año kahapon, January 4.

Samantala, itinalaga naman ni Pangulong Duterte si DILG officer-in-charge Catalino Cuy bilang chairman ng Dangerous Drugs Board (DDB).

Si Cuy ang pumalit kay dating DDB chairman Dionisio Santiago na sinibak ni Pangulong Duterte dahil sa komento nito laban sa mega-drug rehabilitation facility sa Bulacan.

Ang appointment paper ni Cuy ay pirmado ng pangulo kahapon, January 4.

Source link

0 SHARE

Post Comments