Apat na barangay sa QC, makakaranas ng 7 oras na power interruption ngayong araw

     7 months ago
16
Leave a Comment
3 SHARE

Pansamantalang nawalan ng suplay ng kuryente ang apat na barangay sa Quezon City ngayong araw ng Linggo, February 18, 2018.

Sa abiso ng power distributor na Meralco, makakaranas ng pitong oras na power interruption ang mga residente ng Barangay Culiat, Pasong Tamo, Tandang Sora at Tierra Bella.

Nagsimulang maputol ang kuryente 9:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.

Paliwanag ng Meralco, ito ay bunsod ng gagawing maintenance work para magtayo ng bagong power lines at electric posts sa bahagi ng Barangay Culiat.

Source link

3 SHARE

Post Comments