Aquino, Abad dadalo sa huling araw ng Dengvaxia probe ng Kamara

     2 months ago
8
Leave a Comment
9 SHARE

Tutuldukan na ngayong araw ng House committee on good government and public accountability ang kanilang pagdinig hinggil sa pagbili ng pamahalaan ng kontrobersyal na dengue vaccine.

Sinabi ng chairman ng komite na si Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, kabilang sa mga dadalo sa kanilang ikalimang Dengvaxia probe ay sina dating pangulong Benigno Aquino III at dating budget secretary Florencio Abad.

Ayon sa kongresista, hangad nilang matukoy kung totoong may pahintulot ni Aquino ang realignment ng savings ng administrasyon nito upang sa gayon ay magalaw at magamit ang pera para ipambili ng kontrobersyal na dengue vaccine.

Resource persons din sina Budget Secretary Benjamin Diokno, Health Secretary Francisco Duque III, Education Secretary Leonor Briones, Interior and Local Government OIC Secretary Eduardo Año, Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, Chief Public Attorney Persida Acosta at dating Health Secretary Janet Garin.

Source link

Post Comments