Ari-arian ni Danding Cojuangco ipinababawi ng Sandiganbayan

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Ipinag-utos na ng Sandiganbayan na bawiin na ang mga ari-arian na acquired ni Eduardo “Danding” Cojuanco at mga kasama nito sa pamamagitan ng Coconut Industry Investment Fund o mas kilala sa tawag na coco levy fund.

Base sa 14-pahinang desisyon ng 2nd Division ng Sandiganbayan ipinag-utos nito ang pagpapatupad ng pasya ng Supreme Court noong taong 2012 na nagsasabing pag-aari ng pamahalaan ang property na nakuha dahil sa coco levy ni Cojuangco.

Nakasaad sa desisyon ng anti-graft court na pinapayagan nito ang pag-turn over ng anim na kumpanya sa ilalim ng CIIF Oil Mills Group, labing-apat na holding company nito gayundin ang P753.85 Million shares of stocks sa San Miguel Corp.

Iginiit sa atas ng hukuman na ang CIIF assets ay para lamang sa benepisyo ng mga magsasaka ng niyog at para sa pagpapaunlad ng coconut industry sa bansa.

Ang pasya ng Sandiganbayan ay nagbabasura sa nauna nitong kautusan noong 2017 na pumapayag na magkaroon muli ng pagdinig sa hirit ng UCPB at Cocolife upang mapag-aralan ang magiging epekto ng SC decision sa mga investment nito sa mga kumpanya ng CIIF.

Paliwanag ng Anti Graft Court, ang pagkakaroon ng muling pagdinig ay makapagpapatagal pa ng pagpapatupad ng kautusan ng korte.

Sinabi pa ng Sandiganbayan na noon pang December 10, 2014 naglabas ng entry of judgment ang SC matapos ang 2012 decision pero nabigo ang UCPB at Cocolife na patunayan na mayroong exemption sa nasabing kautusan na final and executory.

Ang CIIF ay surplus sa mga buwis na ipinatupad ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa mga coconut farmers pero sa halip na gamitin sa pagpapaunlad ng industriya ng pagniniyog ang pera ay inilagak sa iba’t ibang korporasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

0 SHARE

Post Comments