Asawa ni Malaysian terrorist Marwan, arestado sa Lanao del Norte

     6 months ago
38
Leave a Comment
12 SHARE

Naaresto na ang asawa ng Malaysian terrorist na si Zulkifli Bin Hir alyas “Marwan” sa isinagawang raid sa Tubod, Lanao del Norte.

Kinilala ang suspek na si Joromee Dungon.

Inaresto si Dungon dahil sa pagkakabilang sa mga hinihinalang aktibidad na may banta ng terorismo sa bansa.

Sa ngayon, sumasailalim pa si Dungon sa imbestigasyon at hindi pa naipiprisinta sa media.

Ito na ang ikalawang raid na isinagawa ng mga otoridad laban sa mga hinihinalang teroristang nagtatago sa naturang probinsya.

Matatandaang tatlong hinihinalang miyembro ng Maute terror group ang napatay sa bayan ng Pantar noong February 8, 2018.

Source link

12 SHARE

Post Comments