Ashfall mula Mayon dala ang lava fountaining events, umabot sa isa pang bayan sa Albay

     7 months ago
24
Leave a Comment
3 SHARE

(Update)  LEGAZPI CITY – Umabot na rin sa bayan ng Polangui ang naobserbahan na buga ng abo at masangsang na amoy ng asupre kaugnay pa rin ng nag-aalburutong bulkang Mayon.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Vice Mayor Herbert Borja, dakong alas-11:45 kagabi hanggang ala-1:30 kaninang madaling araw nang maamoy ang asupre sa lugar.

Nabatid na ilang residente sa Barangay Balinad at Poblacion ang nagpaabot ng impormasyon sa naturang ashfall na pinaniniwalaang nadala lamang ng malakas na hangin.

Agad din namang nagbaba ng abiso ang mga lokal na opisyal sa nasasakupan na mag-ingat sa epekto ng abo sa kalusugan lalo na sa mga mayroong respiratory ailments.

Naghain na rin ng resolusyon ang bise alkalde sa Sangguniang Bayan ng Polangui upang ipag-utos ang pagbili ng mga gas masks bilang proteksyon ng mga residente dahil hindi rin tiyak ang posibilidad kung mauulit pa ito.

Ang bayan ng Polangui ay tinatayang nasa layong 16 na kilometro hanggang 30 kilometro mula sa bunganga ng bulkan.

Ito ang unang beses na nakaranas ng ashfall ang naturang bayan mula ng mag-alburuto ang bulkang Mayon noong nakaraang linggo.

Matatandaang dalawang beses na nagkaroon ng lava fountaining alas-10:45 kagabi na sinundan dakong alas-2:25 ng madaling araw na umabot sa 500 metro ang taas.

Source link

Post Comments