Atty. Karen Jimeno bagong opisyal ng PMS

     3 months ago
46
Leave a Comment
21 SHARE

Magiging bahagi ng Presidential Management Staff si Atty. Karen Jimeno makaraan ang kanyang panunungkulan bilang undersecretary sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Kanina ay inilabas na ng Malacañang ang kopya ng appointment peper ni Jimeno bilang undersecretary for disaster resiliency sa ilalim ng PMS na pinamumunuan naman ni Special Assistant to the President Bong Go.

Si Jimeno ay naging tagapagsalita rin noong sa rehabilitation projects ng mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda noong termino ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Naging bahagi rin siya ng defense team at tagapagsalita ni dating Chief Justice Renato Corona nang ito ay humarap sa impeachment trial noong 2012.

Bago ang kanyang appointment sa PMS, si Jimeno ang pinuno ng legal team ng DPWH.

Kanina ay inilabas na rin ang Malacañang ang appointment papers ng iba pang mga bagong opisyal na itinalaga naman sa ilang mga Government Owned and Controlled Corporations (GOCCs).

Source link

21 SHARE

Post Comments