Atty. Oliver Lozano, pumanaw na sa edad na 77

     3 months ago
122
Leave a Comment
6 SHARE

Pumanaw na ang kilalang abogado at Marcos loyalist na si Atty. Oliver Lozano.

Ayon sa asawa ni Lozano na si Norma Junio sumakabilang-buhay ang kanyang mister sa edad sa 77.

Inateke anya sa puso si Lozano noong March 22 pero makalipas ang limang araw ay nailabas din ito ng ospital
Gayunman, muling dumaing ng paninikip ng diddib ang abogado dahilan upang isinugod nila ito sa ospital pero binawian din ng buhay, Huwebes ng madaling-araw.

Nakalagak naman ngayon ang labi ni Atty. Lozano sa Mt. Carmel Church sa Quezon City.

Source link

6 SHARE

Post Comments