‘Atty. Ungab ‘di lang abogado ni Kerwin, partner din sa iligal na negosyo’ – Espenido

     2 months ago
92
Leave a Comment
7 SHARE

CEBU CITY – Ikinatuwa pa ng kontrobersyal na si Ozamiz City Police Station commander C/Insp. Jovie Espenido ang pagkamatay ni Atty. Jonnah John Ungab na abogado ng hinihinalang drug lord na si Kerwin Espinosa.

Ayon kay Espenido, hindi umano ang pagka-abogado at ang pagka-bise alkalde ni Ungab ang dahilan ng kanyang pagkamatay kundi may kaugnayan umano ito sa iligal na droga.

Iginiit pa ni Espenido na si Ungab ay hindi lamang abogado ni Kerwin dahil partner niya raw ito sa mga ipinagbabawal na negosyo.

Siya umano ang kabilang sa administrative aspect ng negosyo ni Kerwin kung saan ito ang humaharap sa mga abogado at sa mga legal na aspeto.

Alam umano ni Espenido kung ano ang trabaho ng isang abogado at wala naman umanong masama rito ngunit hindi umano kailangang makipag-ugnayan ito sa kanyang kliyente sa kanilang iligal na aktibidad.

Dagdag pa ng opisyaloo,  kilalang-kilala niya si Ungab at hindi siya pwede magkamali dahil sa tagal niyang naging chief of police ng Albuera, Leyte, alam daw niyang naging kasama ito ng mga Espinosa sa kanilang iligal na negosyo.

Samantala, galit at hustisya ang sigaw ngayon ng pamilya ni Atty. Ungab.

Ayon sa kanyang pamangkin na si Jed Ungab, hindi na maibabalik pa ang buhay ng kanyang tiyuhin kaya gusto nilang mahuli na ang mga responsable sa pagpatay dito.

Iginiit din nito na walang kinalaman sa iligal na droga ang pagpatay kay Ungab dahil ang relasyon lang umano nito kay Espinosa ay professional relationship lamang dahil kliyente ni Ungab ang naturang indibidwal.

Source link

Post Comments