Babae, nakaligtas sa pananaksak sa kanya nang 46 beses

     2 months ago
35
Leave a Comment
14 SHARE

Nakaligtas ang isang babaeng pinagsasaksak nang hindi bababa sa 46 na beses sa kanyang apartment sa Caloocan City.

Ayon sa pulisya, dakong 4:30 ng hapon ng Biyernes dumating ang tatlong lalaki ang apartment ni Joan Bongares. Nagpanggap ang tatlo na interesadong magrenta ng kwarto.

Tumanggi si Bongares at dito na pinasok ng tatlong lalaki ang kwarto at kinuha ang bag ng biktima na naglalaman ng tatlong cellphone.

Nanlaban si Bongares at dito na siya sinaksak ng suspek na si Michael Franco.

Gumamit si Franco ng ice pick, tinidor at kutsilyo pananaksak sa biktima. Nagpanggap namang patay si Bongares at tumakas si Franco at dalawang kasamahan nito.

Si Franco ay hinuli ng mga kapitbahay ng biktima, kabilang si PO3 Jev Melendez mg Quezon City Police District-Novaliches Station.

Inamin naman ni Franco ang krimen.

Ayon kay Senior Supt. Dennis Oduthan, ang naturang suspek ay myembro umano ng Sputnik Gang. Labas-masok si Franco sa kulungan dahil sa mga kasong kriminal, kabilang ang robbery.

Dagdag ni Oduthan, pinaniniwalaang gumamit ng shabu ang suspek dahil nakuha sa kanya ang dalawang sachet ng shabu.

Patuloy namang tinutugis ang dalawa pang suspek habang nagpapagaling sa ospital si Bongares.

 

Source link

14 SHARE

Post Comments