Babae, patay matapos ihulog sa tricycle ng kaniyang dating kinakasama

     5 months ago
31
Leave a Comment
11 SHARE

 

Nasawi ang isang 19-anyos na babae matapos siyang itulak ng kaniyang dating kinakasama mula sa sinasakyan nitong tricycle sa Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Nikka Pasiliao, na taga-Barangay Bolosan sa Dagupan City, habang ang suspek naman na kaniyang dating live-in partner ay si Jake Rosalin.

Base sa imbestigasyon, nakasakay si Pasiliao at ang kaniyang tatlong taong gulang na anak sa tricycle na mismong si Rosalin ang nagmamaneho.

Nagkairingan ang dating magka-relasyon at itinulak diumano ni Rosalin si Pasiliao mula sa tricycle.

Gayunman, sa halip na dalhin na sa ospital ay dinala ni Rosalin ang biktima sa kaniyang tahanan.

Nang malaman naman ng ina ni Pasiliao ang nangyari, agad niyang pinuntahan ang anak na isinumbong sa kaniya ang insidente.

Pumanaw rin si Pasiliao nang dalhin ito sa ospital dahil sa crack na natamo ng kaniyang bungo bunsod ng pagkakahulog.

Base naman sa pahayag ng ilang testigo, nagbanta si Rosalin na magpapakamatay kung hindi makikipagkasundo sa kaniya si Pasiliao.

Sa ngayon ay inaalam na ng mga otoridad ang mga isasampang kaso laban sa suspek, na mariing itinatanggi naman ang mga akusasyon laban sa kaniya.

Source link

11 SHARE

Post Comments