Babaeng kawani ng San Jose Del Monte, Bulacan patay sa pananambang

     2 months ago
16
Leave a Comment
6 SHARE

 

Patay ang executive assistant ng bayan ng San Jose Del Monte Bulacan matapos itong pagbabarilin sa harap mismo ng kanyang tahanan ng hindi pa nakikilalang mga salarin Lunes ng gabi.

Kinilala ang nasawing biktima na si Orpha Velasquez, 50-taong gulang at residente ng Bgy. Fatima 2 sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Batay sa imbestigasyon, kabababa lamang ng biktima sa kanyang sasakyan at papasok na sana sa loob ng bahay nang dumating ang isang Mitsubishi Adventure at motorsiklo lulan ang mga salarin.

Dito na pinaputukan ng mga suspek ang biktima na tinamaan ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Matapos bumulagta ang biktima, agad na tumakas ang hindi bababa sa limang suspek sa pinangyarihan ng krimen.

Samantala, bagamat nadala pa sa ospital ay tuluyan ring binawian ng buhay ang biktimang si Velasquez.

Napag-alaman na chairman rin ng Bids and Awards Committee ng kanilang bayan ang biktima.

Source link

6 SHARE

Post Comments