Bagitong pulis QC, hinuli dahil sa nakabinbing kaso

     5 days ago
39
Leave a Comment
8 SHARE

Inaresto ng mga pulis-Quezon City ang isa nilang kabaro na may kinahaharap na mga kaso.

Ayon kay Quezon City Police Director Joselito Esquivel Jr., ang inarestong si PO1 Domingo Cena ay nakatalaga sa Information and Communications Technology sa Camp Karingal.

Aniya ang kaso ni Cena ay dalawang paglabag sa RA 9262 o Violence Against Women and Children Act.

Nagtakda naman ang piskalya ng P26,000 piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng pulis.

Nadiskubre na noong Disyembre inireklamo na si Cena ng paglabag sa isang ordinansa sa lungsod dahil sa pambabastos diumano sa isang babae habang naka duty ito at sakay ng isang police car.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

8 SHARE

Post Comments