Bago ang year 2022, federal gov’t na ang Phl – Palasyo

     3 months ago
11
Leave a Comment
10 SHARE

Inaasahan ng Malacañang na bago pa matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo ng taong 2022 ay magiging federal na ang porma ng gobyerno.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, prayoridad sa ngayon ni Pangulong Duterte ang pagbabago sa sistema ng gobyerno mula sa kasalukuyang porma.

Ayon kay Roque, bagama’t hindi pa nakauusad ang unang hakbang para rito, sa tamang panahon ay mapasisimulan ito.

Naniniwala pa si Sec. Roque na pwede namang isabay sa gagawing 2019 elections ang plebesito para maamyendahan ang Saligang Batas.

Kaugnay nito, muling iginiit ni Roque na wala sa plano ni Pangulong Duterte na magtagal pa sa poder o magkaroon ng term extension kaya walang dapat ikabahala rito ang publiko.

Una nang sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez na ngayong taon ay masisimulan na ang pag-amyenda sa Saligang Batas.

Sa Senado naman, inaasahan na sa susunod na linggo ay kikilos na rin ang liderato sa pamamagitan nang paghahain ng panukalang batas na may kinalaman sa charter change.

Source link

10 SHARE

Post Comments