‘Bagong Konstitusyon, posibleng ihaharap na ni Duterte sa SONA’

     2 months ago
10
Leave a Comment
3 SHARE

Pormal nang magko-convene ang consultative committee sa Lunes para umpisahan ang pag-aaral sa pag-amyenda ng 1987 Constitution para makabuo ng bagong Saligang Batas tungo sa federal set-up ng gobyerno.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni dating Chief Justice Reynato Puno ng siya ring chairman ng komite, balak nilang tapusin ang pagbalangkas ng bagong Saligang Batas bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo.

Ayon kay Justice Puno, kung sakaling aprubado na ito ni Pangulong Duterte, siya na ang magpiprisinta sa Kongreso o Constituent Assembly para ratipikahan.

Ipinaliwanag ni Puno na sa pamamagitan ng pagbuo ng bagong Saligang Batas, bubuwagin na ang kasalukuyang unitary set-up kung saan ang kapangyarihan ng gobyerno ay hawak lamang ng central government.

Kapag naging federal na ang porma ng gobyerno, ibabahagi na umano ang kapangyarihan sa mga rehiyon o sub-state.

Nilinaw naman ni Puno na sa ngayon ay wala pa silang naiisip na modelo ng federal form of government dahil kakaiba ang gagawing proseso kumpara sa ginawa ng Estados Unidos at mga European countries.

Source link

Post Comments