‘Bagong panel bubuuin para i-review ang drug charges vs Peter Lim et al’ – DoJ

     1 month ago
7
Leave a Comment
0 SHARE

Ipinag-utos na ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II ang pagbuo ng panibagong panel na hahawak sa drug charges na inihain ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) laban kina Kerwin Espinosa, Peter Lim, Peter Co at Lovely Impal.

Sa statement na inilabas ni Aguirre, ang bubuuing panel ang hahawak sa motion for reconsideration (MR) na inihain ng PNP laban sa mga akusado.

Hindi na rin umano magiging bahagi ng panel si Acting Prosecutor General Jorge Catalan na siyang sumulat sa resolusyon para absuweltuhin ang mga respondents.

May napili na rin daw si Aguirre na bubuo sa panel at iaanunsiyo niya ito bukas.

“I ordered the creation of the new panel that will handle the review of the DOJ’s reso on Peter Lim’s case. The panel will handle the MR filed by PNP. Pati Acting PG will not participate. I already have names who will compose the panel,” wika ni Aguirre.

Maalalang kahapon ay inilabas ng NPS ang 41 pahinang resolusyon na aprubado ni Prosecutor General Jorge Catalan at inabsuwelto rito sina Espinosa, Lim, Co, Impal at Max Miro.

Nag-ugat ang kaso sa pagkakasangkot ng mga respondents sa illegal drug trade sa Visayas Region.

Source link

Post Comments