Bagyong “Basyang,” bahagyang bumilis – DZIQ Radyo Inquirer 990AM

     7 months ago
24
Leave a Comment
4 SHARE

Bagaman bahagyang bumilis ang kilos ng bagyong “Basyang,” napanatili naman nito ang ang lakas ng hangin at tinatahak na direksyon.

Sa 2:00 am weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang Basyang sa 240 kilometers East Southeast ng Hinatuan, Sutifao del Sur.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na aabot sa 65 kilometers per hout at pagbugso na 80 kilometers per hour.

Kumikilos ito sa bilis na 26 kilometers per hour patungo sa direksyong West Northwest.

Katamtaman hanggang malakas na ulan ang inaasahang mararanasan sa Visayas, Caraga, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula at mga lalawigan ng Davao del Norte, Davao Oriental, Compostela Valley, at Lanao del Sur.

Samantala, mahina naman hanggang katamtaman at minsan ay malakas na ulan ang mararanasan sa Bicol Region, nalalabing bahagi ng Mindanao at lalawigan ng Romblon.

Nakataas pa rin ang tropical cyclone warning signal number 2 sa Bohol, Southern Cebu, Siquijor, Negros Oriental, and Southern Leyte, Dinagat Island, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Camiguin, Misamis Oriental, at hilagang bahagi ng Bukidnon.

Samantla, nasa ilalim pa rin ng signal number 1 ang

Cuyo Island, timog bahagi ng Masbate, Aklan, Capiz, Antique, Iloilo, Guimaras, Negros Occidental, nalalabing bahagi ng Cebu, Leyte, Biliran, Samar, at Eastern Samar.

Gayundin naman sa Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Misamis Occidental, Lanao del Norte, Lanao del Sur, nalalabing bahagi ng Bukidnon, North Cotabato, Compostela Valley, Davao del Norte, at Davao Oriental.

Ngayong umaga pa rin inaasahang magla-landfall ang bagyong Basyang sa Caraga region.

Source link

4 SHARE

Post Comments