Bahagi ng EDSA, 11-oras na isasara sa Linggo para sa EDSA People Power Anniversary

     5 months ago
15
Leave a Comment
6 SHARE

Magpapatupad ng closure ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa EDSA sa Linggo, Feb. 25 para sa mga aktibidad sa EDSA People Power Anniversary.

Sa abiso ng MMDA, mula alas 12:01 ng madaling araw hanggang alas 6:00 ng umaga, isasara na ang bahagi ng EDSA mula Ortigas Avenue hanggang Santolan (Northbound).

Dalawang outer lanes ang maaapektuhan ng closure habang ang tatlong inner lanes ay mananatiling passable sa nabanggit naoras.

Gayunman, pagsapit ng alas 6:00 ng umaga hanggang alas 11:00 ng umaga, ipatutupad na ang total closure sa nasabing bahagi ng EDSA.

Para naman makadaan pa rin ang mga motoristang pa-northbound, magbubukas ng counterflow lane sa Southbound mula sa SM Megamall hanggang sa Main Avenue.

Samantala ang kahabaan naman ng White Plains ay isasara din sa daloy ng traffic mula alas 12:01 ng madaling araw.

Pinayuhan ng MMDA ang mga motorista na gumamit ng alternatibong mga ruta ang iwasan ang nabanggit na lugar para hindi maabala.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

6 SHARE

Post Comments