Bahagi ng Regalado Highway sa QC, isasara mamayang gabi dahil sa konstruksyon ng MRT-7

     2 months ago
17
Leave a Comment
8 SHARE

Limang oras na isasara Lunes ng gabi ang bahagi ng Regalado Highway sa Quezon City bilang bahagi ng konstruksyon ng Metro Rail Rransit line 7 o MRT-7.

Ayon sa MMDA, isasara simula 11pm mamaya hanggang 4am bukas Martes ang parehong lanes ng Regaladao Highway mula Bristol Street hanggang Commonwealth Avenue.

Sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia na ang road closure ay ipapatupad para bigyan daan ang pile testing ng EEI Corporation para sa MRT 7 construction.

Pinayuhan ng MMDA ang mga motorista na dumaan sa alternatibong ruta para sa limang oras na pagsasara ng highway.

Pwedeng dumaan ang mga motorista sa Quirino Avenue at Commonwealth Avenue o sa Belfast Street at Mindanao Avenue.

Habang ang mga pupunta sa San Jose Del Monte City ay pwedeng dumaan sa Mindanao Avenue.

 

 

 

 

Source link

8 SHARE

Post Comments