Bahay ng district engineer sa Basilan, pinasabugan ng Abu Sayyaf

     7 months ago
22
Leave a Comment
5 SHARE

Pinasabugan ng mga hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group ang bahay ng isang government engineer sa Basilan.

Ayon kay Isabela City police chief Supt. Restituto Pangusban wala namang nasugatan sa nasabing insidente.

Naganap ang pagsabog sa labas ng bahay ni Basilan district engineer Soler Undug sa Purok Yakal sa Barangay San Rafael Isabela City.

Sinabi ni Pangusban na maswerteng sa labas ng bahay naganap ang pagsabog at dahil konkreto ang bakod ng bahay ni Undug, hindi napinsala ang mga nasa loob.

Sa isinagawang imbestigasyon sa lugar, may nakuhang batter pack ng cellphone, bahagi ng hinihinalang pipe bomb, bahagi ng cellphone keypad, wasak na GI pipe, at wasak ng cellphone screen.

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

5 SHARE

Post Comments