‘Balik-manggagawa OFWs hindi muna makakabalik ng Kuwait’ – Labor chief

     7 months ago
27
Leave a Comment
5 SHARE

Nilinaw ngayon ni Labor Sec. Silvestre Bello III na mapipirmahan muna ang bilateral agreement sa pagitan at Kuwait at Pilipinas bago payagan ang nasa halos 5,000 balik-manggagawa o nagbakasyon lang na overseas Filipino workers (OFWs) na makalipad muli patungo sa naturang bansa.

Ayon kay Bello, sa ngayon ay hindi muna papayagang bumalik ang mga Pilipinong may overseas employment certificate (OEC) pagkat hindi pa rin naman umano sigurado ang kanilang kaligtasan, sa kabila ng giit ng mga ito na mababait ang kanilang amo.

Humingi naman ng pang-unawa ang kalihim sa mga OFW at sinigurong magkakaroon muna ng kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa para sa karapatan nila bilang manggagawa.

Sa ngayon, target ng Department of Labor and Employment (DOLE) na magkaroon din ng bilateral agreement sa ibang bansa gaya ng Israel, Czecho-Slovakia, Japan at China, alinsunod na rin sa paghahanap ng alternative market para sa mga OFW na galing Kuwait.

Kaugnay nito, titiyakin din ng tanggapan na sisibakin o sususpendihin ang mga opisyal at empleyado ng POEA na mapapatunayang kasabwat ng mga illegal recruiters.

Nitong Lunes nang pirmahan ng tanggapan ang Administrative Order na nag-uutos ng deployment ban sa mga OFW sa Kuwait dahil sa mga insidente ng pagmamaltrato.

Ito ay kasunod ng pagdating ng unang batch ng mga repatriated workers na nasa halos 400.

Nilinaw naman ni Bello na hindi magiging sapilitan ang pagpapauwi sa mga Pilipinong manggagawa na nasa Kuwait ngayon.

“Yun lang gustong umuwi, at saka yung dapat umuwi. Halimbawa wala naman trabaho doon. Yun ang tutulungan umuwi. Pero yung mga andon na maganda ang trabaho, maganda ang treatment sa kanila ng employer nila they can stay for as long as they want,” ani Bello.

Source link

Post Comments